#### Kung wala kang Git sa iyong computer, [i-install ito](https://docs.github.com/en/get-started/quickstart/set-up-git).
## I-fork ang repository ito
I-fork ang repository na ito sa pamamagitan ng pag-click sa _fork button_ sa kanang itaas ng page na ito.
Gagawa ito ng kopya ng _repository_ sa iyong _account_.
## I-clone ang _repository_
Ngayon, i-clone ang _forked repository_ sa iyong _computer_. Pumunta sa iyong _GitHub account_, buksan ang _forked repository_, i-click ang _code button_ at pagkatapos ay i-click ang _copy to clipboard_ icon.
Magbukas ng terminal at patakbuhin ang sumusunod na git command:
```
git clone "url na kakakopya mo lang"
```
ang "url na kakakopya mo lang" (tanggalin ang "") ay ang url ng iyong _forked repository_.Tingnan ang mga nakaraang hakbang para makuha ang url.
Halimbawa:
```
git clone https://github.com/username/first-contributions.git
```
ang `username` ay ang iyong GitHub username. Dito mo napunta ang mga laman ng kinopya mong _repository_ ng mga unang kontribusyon sa GitHub sa iyong _computer_.
## Gumawa ng _branch_
Pumunta sa _directory_ ng _repository_ sa iyong _computer_ (kung wala ka pa roon, i-type ito sa _terminal_):
```
cd first-contributions
```
Ngayon, gumawa ng isang _branch_ gamit ang _command_ na `git switch`:
```
git switch -c pangalan-ng-branch
```
Halimbawa:
```
git switch -c add-juan-delacruz
```
## Ilagay ang mga gusto mong baguhin sa _repository_
Ngayon, buksan ang `Contributors.md` _file_ sa isang _text editor_ at idagdag ang iyong pangalan (maaari mong gayahin na lang ang gawa ng iba). Iwasang ilagay ito sa pinaka-simula o dulo ng _file_. Ilagay ito kahit saan sa gitna ng _file_. I-save ang _file_ kapag nailagay na.
Kung pupunta ka sa _directory_ ng proyekto at i-type ang _command_ na `git status`, makikita mo yung mga nabago mo sa `Contributors.md`.
Idagdag ang mga _file_ na nabago mo sa _branch_ na ginawa mo kanina gamit ang _command_ na `git add`:
```
git add Contributors.md
```
I-commit ang mga _files_ na iyon gamit ang _command_ na `git commit`:
```
git commit -m "Add iyong-pangalan to Contributors list"
```
## I-push ang mga _files_ na _nabago_ sa GitHub
I-push ang mga nabago mong _files_ gamit ang command na `git push`:
```
git push -u origin pangalan-ng-branch
```
Ang `pangalan-ng-branch` ay pangalan ng branch na ginawa mo kanina.
remote: Support for password authentication was removed on August 13, 2021. Please use a personal access token instead.
remote: Please see https://github.blog/2020-12-15-token-authentication-requirements-for-git-operations/ for more information.
fatal: Authentication failed for 'https://github.com//first-contributions.git/'
Pumunta sa [tutorial ng GitHub](https://docs.github.com/en/authentication/connecting-to-github-with-ssh/adding-a-new-ssh-key-to-your-github-account) sa paggawa at pag-configure ng SSH key sa iyong account.
Ngayon, baguhin ang ilang _checkboxes_ sa _description textarea_, at i-submit ang _pull request_.
Ime-merge ko ang lahat ng mga nabago mo sa _main branch_ ng proyektong ito. Makakatanggap ka ng _email notification_ kapag na-merge ko na ito.
## Saan na pagkatapos?
Congrats! Nakumpleto mo lang ang karaniwang _fork -> clone -> edit -> pull request_ workflow na madalas mong gagamitin bilang isang _contributor_!
Ipakita ang iyong kontribusyon sa iyong mga kaibigan at tagasubaybay at magpunta sa [web app](https://firstcontributions.github.io/#social-share).
Ngayon, pwede ka nang gumawa ng kontribusyon sa iba pang mga proyekto! Gumawa kami ng isang listahan ng mga proyekto na may mga madadaling gawing _issues_ na pwede mong gawin. Tingnan ang [listahan ng mga proyekto sa web app](https://firstcontributions.github.io/#project-list).
### [Karagdagang materyal](additional-material/git_workflow_scenarios/additional-material.md)
## Mga Tutorial Gamit ang Iba Pang Mga Tool
|